Username or Email Address
Password
Remember Me
Lost your password?
International association for the measurement and evaluation of communication
Barcelona Principles 3.0, inihandog noong AMEC Virtual Summit ni Ben Levine, Direktor at Kasosyo, TRUE Global Intelligence at AMEC Board Director.
Ang ebolusyon sa taong 2020 ng pinagkakatiwalaang pandaigdigang Barcelona Principles ay hahasa sa pagtuon sa pagkakasama, pagtatama at integridad ng industriya ng komunikasyon.
Sampung taon na ang lumipas mula noong unang inihandog ng Barcelona Principles sa industriya ang isang pangkalahatang konsepto ng pagsukat at ebalwasyon, at limang taon naman mula noong unang pagrebisa.
Sa pagsasalamin nito, kinikilala ng Barcelona Principles 3.0 na ang mga kinasanayang gawi sa taong 2010 – at maging sa 2015 – ay hindi na napapanahon, kalakip ng mga malalaking pagbabado sa nakaraang dalawa hanggang tatlong taon. Sa tangi pa roon, pinalawak ang ugnayan nito sa mas malaki at iba’t ibang saklaw na mga organisasyon at mga tungkulin kung saan ang mga pinakamahusay na kasanayan sa sukatan at ebalwasyon ay makabuluhan sa komunikasyon sa gobyerno, kawanggawa, NGOs, at iba pang institusyon bukod sa komersiyal.
1. Ang pagtatalaga ng mga layunin ay isa sa mga paunang pangangailangan sa pagpaplano, pagsukat at ebalwasyon ng komunikasyon.
Ang mga itinatag na paunang prinsipyo para sa isang matalinong mga layunin bilang pundasyon ng pagpaplano sa komunikasyon ay tinukoy bilang pangunahing pangangailangan. Binibigyang-diin ang pagsukat at ebalwasyon bilang mga pangunahing bahagi ng pagpaplano, paglatag ng resulta at kung paano pagbubutihin ang mga ito.
2. Ang mga resulta, kinahinatnan at posibleng epekto ay nararapat na matukoy ng pagsukat at ebalwasyon..
Noong una, inirekomenda ng Barcelona Principles ang pagsukat ng mga ibinungang resulta sa halip na pagbilang lamang ng mga ito. Isinaalang-alang sa makabagong Barcelona Principles ang pangmatagalang epekto ng isang estratehiyang pangkomunikasyon. Ayon kay Levine, ito ay nangangahulugan ng pagninilay-nilay sa mga “kurso na ating naiimpluwensiyahan, at pagbabago na nais nating makita sa tulong mga kampanya, pagdiriwang at mga aktibidad.”
3. Ang mga bunga at epekto ay nararapat matukoy para sa mga iteresadong kasapi, lipunan at organisasyon.
Mula sa hangarin na nakatuon sa metrikang nakalaan lamang sa negosyo at pangkalakalan, ang mga pagbabago sa taong 2020 ay sasaklaw sa pagsasakatuparan ng pangkalahatang pananaw o gawi. Pinahihintulutan ng modelong ito na mapabilang ang mas malaking na saklaw ng mga organisasyon at tungkuling pangkomunikasyon na hindi nakatuon sa kita or tubo.
4. Ang sukatan at ebalwasyon ng komunikasyon ay nararapat samahan ng pagsusuri kung saan napapaloob ang kalidad at bilang.
“Upang maunawaan ang kabuuang epekto ng iyong gawain, mahalaga ang paggamit ng pangkalahatang pamamaraan ng paksukat na may tiyak na resulta,” ayon kay Levine sa kanyang paglalarawan ng ebolusyon ng Barcelona Principles upang hindi lamang mabilang kundi maunaawan rin kung paano ang pagtanggap, pagtiwala at pagbigay kahulugan sa mga mensahe na ipinapalabas sa komunikasyon.
5. Ang AVE ay hindi sukat ng kabuuang halaga ng komunikasyon.
Hindi nagbago at nananatiling malinaw ang mensahe; “patuloy tayong naniniwala na ang AVE ay hindi nagpapatunay sa halaga ng ating gawain.” Mahalaga na ang pagsukat at ebalwasyon ng komunikasyon ay gagamit ng mas sagana, mas katangi-tangi at iba’t ibang pamamaraan upang maunawaan ang epekto at kakayahan ng komunikasyon.
6. Ang isang komprehensibo at pangkalahatang pagsukat at ebalwasyon ng komunikasyon ay nararapat na samahan ng lahat na may kaugnayan sa online at offline channel.
Ang ating itinatag na mga prinsipyo kung saan nararapat at kailangang sukatin ang social media ay malinaw sa panahong ito. Ang pagrebisa sa taong 2020 ng mga panuntunin ay sumasalamin sa malalaking pagbabago ng kakayahan, oportunidad at impluwensiya ng sosyal na pakikipag-ugnayan na nagpapatunay sa pangangailangan ng pagsukat at ebalwasyon nito.
7. Ang pagsukat at ebalwasyon ng komunikasyon ay nakatanim sa integridad at katapatang maghatid ng karunungan at kalinawan ng pag-unawa..
Isang mahusay, naaalinsunod at nananatili na pagsukat ay nananawagan ng pagkakaroon ng integridad at katapatan sa pagkilala ng napapanahong atensiyon sa data privacy at gabay alinsunod sa mga makabagong regulasyon kagaya ng GDPR. Ito ay isang pagpapahayag na ang pagsukat ay hindi lamang ukol sa pagkolekta ng datos at pagsubaybay nito, ngunit ukol din sa ebalwasyon at paglapat ng malinaw na kaunawaan sa pagpaplano ng komunikasyon. Kinikilala nito ang pangangailangan ng katapatan sa konteksto ng pagpapatakbo ng mga programa at kamalayan sa mga pagkiling na maaring umiral sa mga ilalapat na kagamitan, pamamaraan at interpretasyon.
Isentia www.isentia.com
This site uses cookies. By continuing to browse the site, you are agreeing to our use of cookies.
We may request cookies to be set on your device. We use cookies to let us know when you visit our websites, how you interact with us, to enrich your user experience, and to customize your relationship with our website.
Click on the different category headings to find out more. You can also change some of your preferences. Note that blocking some types of cookies may impact your experience on our websites and the services we are able to offer.
These cookies are strictly necessary to provide you with services available through our website and to use some of its features.
Because these cookies are strictly necessary to deliver the website, refusing them will have impact how our site functions. You always can block or delete cookies by changing your browser settings and force blocking all cookies on this website. But this will always prompt you to accept/refuse cookies when revisiting our site.
We fully respect if you want to refuse cookies but to avoid asking you again and again kindly allow us to store a cookie for that. You are free to opt out any time or opt in for other cookies to get a better experience. If you refuse cookies we will remove all set cookies in our domain.
We provide you with a list of stored cookies on your computer in our domain so you can check what we stored. Due to security reasons we are not able to show or modify cookies from other domains. You can check these in your browser security settings.
We also use different external services like Google Webfonts, Google Maps, and external Video providers. Since these providers may collect personal data like your IP address we allow you to block them here. Please be aware that this might heavily reduce the functionality and appearance of our site. Changes will take effect once you reload the page.
Google Webfont Settings:
Google Map Settings:
Google reCaptcha Settings:
Vimeo and Youtube video embeds:
You can read about our cookies and privacy settings in detail on our Privacy Policy Page.